READ: Mga inaasahang benepisyo ngayon Nobyembre at Disyembre 2018

READ: Mga inaasahang benepisyo ngayon Nobyembre at Disyembre 2018

READ: Mga inaasahang benepisyo ngayon Nobyembre at Disyembre 2018

**November 15 onwards- Year-End Bonus na katumbas ng isang buwang suweldo at P5000 Cash Gift

**Decemeber 15 onwards – P5000 (PEI or Productivity Enhancement Incentive)

**Anniversary Bonus – P3000 Ayon sa huling dayalogo ng ACT sa DepEd Central inaayos na ang guidelines sa pagrelease nito upang matanggap ito sa Disyembre kung kailan ang anibersaryo ng DepEd.

**PBB na katumbas ng 50%, 57.5%, o 65% ng basic salary. Base sa huling dayalogo ng ACT sa DepEd ay nasa mga Regional at Division offices pa din ang mga kailangang dokumento na ipapasa ng DepEd Central sa DBM. Ito ay babantayan natin na marelease agad at maiwasan ang pagkadelay nito.

-Tax free po ito basta hindi na lalagpas sa P82,000 ang kabuuang bonuses ang natatanggap kada taon.

Ito ay dahil sa batas na isinulong ng ACT Teachers Party-List ang RA 10653 na ang Principal Author sa House of Representatives ay si Rep. Antonio Tinio. Nakasaad sa batas na ito ang pagtataas ng ceiling ng 13th month pay at iba pang bonuses mula P30,000 hanggang P82,000. Ibig sabihin mas ma-eenjoy na natin ang ating mga bonuses at makakapag-uwi ng malaki para sa ating pamilya. Covered nito both Public and Private employees kaya hindi lang po public school teachers ang makikinabang nito kundi lahat ng empleyado.

Salamat sa ACT Teachers sa pagsusulong ng mga batas na para sa guro at mamamayan partikular sa pagsasabatas ng pagtaas ng ceiling ng mga bonuses mula P30,000-P82,000 (RA 10653).

Pagpapasalamat din sa mga gurong nakipagdayalogo sa kani-kanilang nga district representatives para suportahan ang batas na ito. Sa pagsali sa ating nga selfie at groupie at iba pang porma ng pagkilos.

*Sa RA 10963 ay itinaas ang tax ceiling sa mga benefits and bonuses ng 90,000.

Maraming Salamat po.

Mabuhay po tayong lahat.

Sources:

Year End Bonus: CLICK HERE

Anniversary Bonus: CLICK HERE

YOU MAY ALSO LIKE:
YOU MAY ALSO LIKE:

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.