Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela Frequently Asked Questions (FAQS)

Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela Frequently Asked Questions (FAQS)

Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela Frequently Asked Questions (FAQS)

Here is the DepEd’s Official Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela Frequently Asked Questions (FAQS), for those have plenty of questions this is for you.

REGARDING ON THE ENROLLMENT (PARA SA ENROLLMENT)

  • Hanggang kailan ang period ng enrollment ngayong SY 2020-2021?
    • SAGOT: Ang enrollment para sa School Year 2020-2021 ay magbubukas sa Hunyo 1 at magtatapos sa Hunyo 30. Ito ay karugtong na lamang ng Early Registration noong Enero.
  • Paano ang magiging sistema ng enrollment? Face to face rin ba?
    • SAGOT: Hindi kinakailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment ngayong taon. Upang patuloy na mapairal ang Social Distancing at ang health standard na rekomendasyon ng DOH at IATF, ipatutupad ng Kagarawan ang Remote Enrollment.
      • Para sa mga mag-aarl mula Grade 1-12: Ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay tatawagan ng kanilang adviser ng nakaraang taon para sa ‘remote’ enrollment. Gayunpaman, maaari ring ang magulang/tagapangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures.
      • Para sa mga papasok ng kindergarten: Maaaring makipag-ugnayan ang magulang ng mga papasok ng kindergarten sa kanilang napiling paaralan para sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga mga nilaang numero o website ng paaralan para sa enrollment procedures nito.
      • Para sa mga lilipat na mag-aaral: Maaaring direktang makipag-ugnayan ang magulang ng lilipat na mag-aaral sa eskwelahang nais lipatan gamit ang mga contact details ng paaralang lilipatan.
      • Para sa mga Balik-Aral enrollees: Tulad ng mga transferees, maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga Balik-Aral enrollees sa eskwelahang napiling lipatan. Ang lilipatang eskwelahan ay ang siyang magtatala ng kanilang impormasyon at datos.
      • Para sa mga ALS enrollees: Maaaring mag-enroll ang mga mag-aaral sa ilalim ng ALS program sa pamamagitan ng pakikipagugnayan online o pisikal sa paaralan o sa mga barangay na mayroong Community Learning Centers (CLCs). ALS Form 2 (Annex B) ang gagamitin dito batay sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaari itong ma-access online at mayroon ding mga printed na kopya
  • Tatanggap po ba ang mga paaralan ng mga late enrollees?
    • SAGOT: Ang mga paaralan ay maaring tumanggap ng mga late enrollees kung ang estudyante ay nakapasok sa 80% sa nakatakdang school days sa bawat school year at sa mga kinakailangang pamantayan upang pumasa sa bawat grade level. Maari ding gamitin ng mga school heads ang kanilang sariling desisyon sa kung tatanggapin o hindi ang mag-aaral at magsagawa ng mga aktibidad upang makahabol ang nasabing estudyante.
  • Paano ang pagpapasa ng mga documentary requirements para sa enrollment?
    • SAGOT: Dahil sa kasalukuyang sitwasyon pang kalusugan, ang palugit sa pag papasa o pagsusumite ng mga documentary requirements sa enrollment ay ipagpapaliban muna hanggang Disyembre 2020. Ito ay ipatutupad pareho sa pampubliko at pribadong paaralan.
  • Pwede pa rin bang magpasa ng application para sa SHS Voucher Program?
    • SAGOT: Maari pa ring magpasa ng application sa ilalim ng SHS Vouvher Program kung ikaw kwalipikado sa mga nakaatas na pamantayan. Kung nais na mag-apply sa programang ito, maaring ipasa ng application Private Education Committee National Secretariat (PEAC NS) sa pamamagitan ng Online Voucher Application Portal o maaari ding magsadya sa opisina ng PEAN NS kung manual naman ang isasagawang aplikasyon. Dagdag pa rito, ang mga estudyanteng nakatatanggap na voucher program ay hindi na kinakailangang mag-apply muli sa kadahilanang automatiko na muli silang makakatanggap ng subsidiya mula sa departamento.

REGARDING TO THE OPENING OF CLASSES (PARA SA PAGBUBUKAS NG KLASE)

  • Papapasukin ba ang mga bata sa eskwelahan kahit di pa napupuksa ang virus?
    • Alinsunod po sa DepEd Order 007, s. 2020, at sa pagbibigay prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon sa kapakanan at kalusugan ng mga guro at mag-aaral, hindi po magiging face to face ang pag-aaral sa pagbubukas ng klase.
  • Ano ang naging batayan ng DepEd para ituloy ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021?
    • Nagdaos ng survey ang Kagawaran kung saan 700,000 na guro, mag-aaral at magulang ang sumagot at piniling idaos ang pasukan sa huling linggo ng Agosto. Gayunpaman, ang survey ay isang bahagi lamang ng malawakang konsultasyon. Nagkaroon din ang DepEd ng mga pagaaral, consultation at ilang pagpupulong na kasama ng DOH at IATF.
  • Hindi ba masyadong maaga ang August 24 sa pagbubukas ng klase?
    • Ayon sa Section 3 ng Republic Act. No. 7797, ang mga klase sa basic education ay dapat magbukas sa unang lunes ng Hunyo at hindi dapat lalampas sa huling araw ng Agosto. Ang rekomendasyon sa pagbubukas ng klase ay suportado ng Pangulo at ng IATF sa nasabing araw basta’t isasaalang alang ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang staff ng paaralan na mariing susundin ng DepEd.

REGARDING TO THE CONTINUATION OF QUALITY EDUCATION (PARA SA PAGPAPATULOY NG EDUKASYON)

  • Paano ang mga mag-aaral na walang internet connection at gadgets sa bahay? Paano sila maaaring matuto?
    • Sa ilalim po ng Learning Continuity Plan ng Department of Education, nakapaloob po ang mga Learning Delivery Modes na maari po nilang gamitin. Bukod sa online learning, gagamitin rin ang mga self-learning modules, tv at radio sa pag-aaral ng mga estudyante.
  • Sino ang magtuturo sa mga bata kung hindi face to face?
    • Mahalaga ang papel ng magulang o guardians ng mga estudyante habang pinatutupad ang Distance Learning. Sila ang ang magiging gabay ng ating mga learners upang maging posible ang patuloy na pagkatuto.
  • Paano ang mga guro? Masasakripisyo ba ang kalusugan nila?
    • Tulad ng ating mga learners, hindi rin magiging face to face ang pagpasok ng ating mga guro. Maari nilang ipagpatuloy ang serbisyo at pagtuturo habang nananatili sa loob ng bahay.

SOURCE: DEPED

Be the first to be informed, Please like our Facebook Page here

Disclaimer: This post is created for information, education and dissemination purposes only, NO copyright infringement intended, for more questions and inquiries contact us at [email protected]

FREE TEACHING MATERIALS

2 Comments on Oplan Balik Eskwela – Brigada Eskwela Frequently Asked Questions (FAQS)

  1. Yung pong mga esc grantees kelangan pa dn po kumuha ng parents sa bir ng tax exemption certificate?kailangn na ba agad asikasuhin yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.